PALARONG PINOY SA PASUGUAN: ISANG MASIGLANG PAGDIRIWANG NG KULTURA, WIKA AT KASAYSAYAN
Kuala Lumpur, 29 Agosto 2024 – Sa pagtatapos ng Agosto, isang masigla at matagumpay na pagdiriwang ang isinagawa ng Pasuguan ng Republika ng Pilipinas noong ika-27 ng Agosto 2024 upang ipagdiwang ang kultura, wika, at kasaysayan ng Pilipinas.
Bahagi ng layunin ng “Palarong Pinoy” ang itaguyod ang pagpapahalaga sa ating pambansang wikang Filipino bilang isang kasangkapan na nagpapalaya mula sa kamangmangan, kahirapan, katayuan, at pagpapahayag ng saloobin at kaisipan.
Sa kanyang maikling mensahe, kinilala ni Ambassador Maria Angela Ponce ang taunang paggunita ng Buwan ng Wika ayon sa Proklamasyon Bilang 1041, ng Buwan ng Kasaysayan batay sa Proklamasyon Bilang 339, at ng Araw ng mga Bayani alinsunod sa Batas ng Republika 9492. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kasaysayan ng Pilipinas at ang mga dakilang kontribusyon ng mga bayaning Filipino, kilala man o hindi, sa pagkamit ng kalayaan at kaunlaran ng bansa.
Nagbigay ng kasiyahan at kompetisyon, habang nagpatibay din ng samahan sa komunidad ng mga Filipino ang mga larong Hep Hep Hooray, Pinoy Henyo, Bugtong-Bugtong, at “Sino Ito?” kung saan hinulaan ng mga kalahok ang mga bayaning base sa kanilang mga piling tanyag na linya. END
For more information, please contact: